Naging susi ang go-ahead layup ni Donovan Mitchell na may natitirang pitong segundo upang makalusot ang utah Jazz sa Oklahoma City Thunder sa isang puntos lamang, 110-109.
Sa kabuuan, nagposte si Mitchell ng 20 points para itala ang kanilang ikalawang panalo at isang talo mula nang magsimula ang bagong season ng NBA.
Sa wakas natuldukan na rin ng Jazz ang kanilang 17-game losing streak sa regular season sa road games laban sa Thunder na nagsimula mula pa noong taong 2010.
Sumuporta rin kay Mitchell sina Bogan Bogdanovich na may 23 points at si Mike Conley na nagdagdag sa 20 points, 10 rebounds at nine assists.
May tiyansa pa sana ang Thunder na makuha ang panalo pero sumablay si
Shai Gilgeous-Alexander sa kanyang driving layup hanggang inabutan ng buzzer.
Tumabo si Shai ng kabuuang 23 points at seven assists habang si Luguentz Dort ay naglista naman ng career-high na 26 points para 1-1 record ng Thunder.