Mitchell Robinson, hindi makakapaglaro sa pagsisimula ng 2024-2025 season dahil sa surgery
Loops: Mitchell Robinson, NY Knicks
Hindi makakasama ng New York Knicks ang bigman nitong si Mitchell Robinson sa pagsisimula ng 2024-2025 season na nakatakdang mag-umpisa sa Oktobre.
Ayon sa Knicks, maaaring abutin hanggang Disyembre o Enero 2025 bago makasama ng koponan ang kanilang bigman na kadalasang nagsisilbi bilang sentro.
Una kasing sumailalim sa surgery si Mitchell sa kasagsagan ng playoffs 2024 dahil sa injury sa kanilang kaliwang paa.
Batay sa pagtaya noon ng kaniyang mga doktor, maaaring handa na siyang maglaro sa pagsisimula ng 2024-2025 season.
Gayonpaman, batay sa desisyon ng mga medical expert na sumusuri sa kalagayan ni Robinson, kailangan pa niya ng ilang buwan bago tuluyang payagang makapaglaro.
Sa nakalipas na 12 buwan, sumailalim si Robinson sa dalawang magkasunod na surgery sa parehong paa. Una ay noong December 2023 at sinundan noong May.
Inaasahan namang magiging mabigat ang epekto ng hindi paglalaro ni Robinson sa buong koponan, lalo at wala itong ibang sentrong maasahan.
Ayon sa ilang NBA analyst, maaaring gamitin ng Knicks ang small-ball rotation sa pagsisimula ng season kasama sina Juluis Randle at OG Anunoby na pinakamalalakin player ng naturang koponan.