Lumalabas sa pag-aaral na isinagawa ng National Institutes of Health (NIH) na mas malakas ang immune response kapag nabakunahan ng unang dose ng Johnson& Johnson COVID-19 vaccine at kapag gagamiting booster shot ang Pfizer o Moderna vaccine.
Isinagawa ang pag-aaral sa mahigit 450 adult individual sa Amerika na mga nakatanggap ng unang dose ng Pfizer, Moderna o kaya J&J kung saan ipinapakita ng mixing and matching ng tatlong brand ng bakuna ay ligtas para sa adults.
Napag-alaman din na nagpapakita ng kahalintulad na adverse reaction ang mix and match ng doses bilang booster shots sa ginagawang pagbabakuna para sa una at ikalawang dose at walang nakitang banta sa kalusugan.
Ang naturang pag-aaral sa tatlong COVID-19 vaccines na Moderna, Pfizer at J&J ay nabigyan ng authorization sa Amerika na nagpapakita na nakakapag-produce ng pareho o mas mataas na antibody response ang paggamit ng ibang brand ng bakuna para sa booster shots kumpara sa pagtuturok ng parehong brand ng vaccines bilang ikatlong dose.