-- Advertisements --

DAVAO CITY – Kulong ang isang personahe ng Civil Security Unit (CSU) na nadestino sa Davao International Airport matapos na mahuli sa isinagawang drug bust operation ng mga tauhan ng San Pedro PNP sa Prk.12, St.John, Bucana, Brgy.76-A nitong lungsod.

Nakilala ang suspek na si Ronito Baring Jr. alas Junior, watchman at residente ng IGACOS, Davao del Norte.

Nakumpiska mula sa kanya ang tatlong pakete ng iligal na droga na may street value na P5,000.

Kinokonsidera itong high value target dahil isa siyang empleyado ng gobyerno.

Nakatakda itong sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002.