ILOILO CITY-Hindi pa rin nahahanap ang miyembro ng Bantay Dagat ng Nueva Valencia, Guimaras na pinaniniwalaang in-abduct ng mga illegal fishers papunta sa Negros Occidental.
Ang biktima ay si Nelson Bordon, residente ng Barangay Guiwanon, Nueva Valencia, Guimaras.
Pebrero 24 ng gab-i nang nagsagawa ng sea patrol operation si Bordon kasama ang tatlong iba pa na mga myembro ng Bantay Dagat.
Base sa pahayag ng mga kasamahan ni Bordon, may nakita silang fishing vessel at kanila itong nilapitan upang sitahin ngunit binangga ang kanilang bangka ng fishing vessel.
Tumalon umano sa dagat ang dalawang kasamahan ni Bordon ngunit siya ay dinala naman ng illegal fishers na pinaniniwalaang papunta sa Hinigaran, Negros Occidental.
Sa panayam naman ng Bombo Radyo kay Commander Edison Diaz, chief ng Philippine Coast Guard- Iloilo at officer-in-charge sa PCG Guimaras, sinabi nito na nakaalerto na ang mga substations at inatasan na rin ang Maritime Safety Command Service upang i check ang lahat ng fishing vessel upag matukoy ang kulay green at puting fishing vessel na responsable sa ramming incident at pag-abduct sa myembro ng bantay dagat.