-- Advertisements --
Cascolan Gamboa Eleazar
PNP OIC chief Lt Gen. Archie Gamboa

Inaresto sa isinagawang entrapment operation ng PNP-QCPD ang isang miyembro ng BIFF Dawlah Islamiyah na nakilalang si Datu Omar Palte sa Barangay North Fairview, Quezon City.

Naaresto ang suspek dahil sa illegal possession of firearm, ammunition and explosive.

Napag-alaman na nagbebenta ng armas ang suspek kaya nagsagawa ng operasyon ang PNP.

Ayon kay PNP OIC chief Lt Gen. Archie Gamboa, ang naarestong si Palte na isang vendor at residente ng Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City ay may standing warrant of arrest.

Nilinaw din ni Gamboa na wala silang na-monitor na anumang terror plot mula teroristang Dawlah Islamiya sa kalakhang Maynila.

Sinasabing nasa Metro Manila si Paite para magbakasyon o “mag-rest and recreate” pero malas daw nito dahil na-monitor ang kaniyang galaw kaya naaresto ng mga otoridad.

Si Palte ay miyembro umano ng BIFF sa ilalim ng grupo ni Commander Bungos pero bumaliktad ito at sumama sa grupo ni Esmael Abdulmalik alias Abu Toraype.

Nakuha sa posisyon ni Palte ang isang fragmentation grenade at caliber .45 pistol.

daula islamiya BIFF PNP