DAVAO CITY – Sasampahan na ng kaso ang isang miyembro nang tinaguriang Carin criminal group kung saan nakuha sa kanyang posisyon ang hindi mga lisensiyadong armas kasabay ng ipinatupad na search warrant ng otoridad sa tirahan nito sa Purok Dahlia 1, Barangay Mapawa, Compostela Valley.
Nakilala ang suspek na si Antonio Gallarde alias Budoy.
Pinangunahan ang nasabing operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Compostela Valley at Maragusan Municipal Police Station.
Mahaharap ang suspek sa paglabag sa Republic Act (RA) 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act base sa inilabas na kautusan ni Judge Carmel Gil Grado.
Narekober mula sa posisyon ni Gallarde ang mga hindi lisensiyadong armas na kinabibilangan ng dalawang caliber .38 revolver kung saan isa nito ay may tatlong bala, isaang caliber .45 pistol; isang improvised caliber .22; dalawang caliber .22 barrel; isang Angle Grinder; isang (Contender) drills press; isang M16 magazine; isang homemade barrel set; pitong iba’t ibang springs ng armas; isang biscript tool; isang hand drill; at isang holster (black).
Ang suspek ay nasa kustodiya na ngayon ng Maragusan Police sa Compostela Valley.
Napag-alaman na nag-o-operate ang grupo sa nasabing lalawigan at katabing mga probinsiya.