-- Advertisements --
Guillermo Eleazar
NCRPO chief Guillermo Eleazar

Napatay ng mga kapulisan ang isang lalaki na miyembro ng kidnap for ransom group matapos na ito ay manlaban umano sa bahay nito sa Barangay Loma de Gato, Marilao, Bulacan.

Sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Maj. Gen. Guillermo Eleazar, isinagawa ng Anti-Kidnapping Group, Highway Patrol Group at kapulisan ng PNP Region 3 ang pag-aresto sa suspek na si Leo del Fuente.

Pagdating ng mga otoridad ay nakipagpalitan daw ng putok ang suspek.

Nakuha sa kustodiya ng suspek ang apat na long firearms, apat na short firearms at iba’t ibang uri ng mga baril at granada.

Kabilang umano ang suspek sa grupo na dumudukot sa mga opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) kung saan hinihingan nila ng malaking halaga ang pamilya nito para sa kalayaan ng biktima.