-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Tiniyak ng South Cotabato Police Provincial Office (SCPPO) na mas paiigtingin pa nila ang kanilang mga operasyon laban sa mga miyembro ng Dawlah Islamiyah (DI) terror group, lalo na sa bayan ng Polomolok.

Ayon sa hepe ng South Cotabato PNP na si PCol. Jemuel Siason, asahan pa umano ang maraming mga law enforcement operations laban sa naturang grupo.

Nabatid na sunod-sunod na isinagawa ang law enforcement operations laban sa mga ito ngunit karamihan sa kanila ay nakatakas.

Kinabibilangan ito nina Sahideen Piang Canapia, Rod Embang, Russel Mamo, Solaiman Paraluman, Jorhan Utap Palalisan, Saadan Macabangin at Arafat Bulacon.

Ito’y matapos nakatunog sila sa presensiya ng mga pulis at naiwasan ang pag-aresto.

Ngunit isa naman ang naitalang patay matapos nanlaban si Bassit Piang Canapia na kapatid umano ni Sahideen.

Pawang nakuha sa nasabing mga operasyon ang samu’t-saring sizes ng sachet ng pinaniniwalaang droga at .38-caliber na armas.