-- Advertisements --
Arestado ang isang indibidwal na miyembro ng Maute-ISIS na nasa listahan ng “national most wanted person” sa Brgy. 176, Bagong Silang, Caloocan City.
Kinilala ni P/Supt. Arnold Thomas Ibay, regional chief ng Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region (CIDG NCR) ang suspek na si Jomar Labay alias Jumar Ibrahim, 24-anyos.
Nagsagawa ng operasyon ang CIDG at AFP laban sa suspek na may warrant of arrest sa kasong kidnapping, serious illegal detention, at murder.
Si Labay ay suspek sa pagpugot ng ulo ng dalawang manggagawa at pag kidnap sa apat na iba sa Butig,Lanao del Sur noong 2016.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng CIDG si Labay.