-- Advertisements --

Kinumpirma ni Philippine Army 103rd Brigade Commander Col. Romeo Brawner na nagkaroon nga ng pagsabog sa Marantao, Lanao del Sur ilang metro lamang ang layo sa polling centers

Ayon kay Brawner, mabog ang isang improvised explosive device sa loob mismo ng sasakyan ng mga suspek.

Dagdag pa nito na inihagis ng suspek ang IED sa direksiyon kung saan nakapwesto ang mga sundalo na nagbibigay seguridad pero sumabit ito sa bintana ng sasakyan at saka sumabog.

Sugatan ang suspek na siyang maghahagis sana ng IED at ang dalawang kasamahan nito.

Aniya, naka park ang nasabing sasakyan at ng inspeksyunin ng mga sundalo ang sasakyan ay saka nila nakita ang IED.

Inaalam na rin ng militar na di-umano’y miyembro ng MILF ang mga suspek na ginagamit bilang private armed groups ng ilang mga pulitiko.