BUTUAN CITY – Naiturn-over na sa pulisya ng Kitcharao, Agusan del Norte ang Improvised explosive device o IED at mga gamit sa paggawa ng bomba matapos itong nakumpiska galing sa ni-raid na miyembro ng Militia ng Bayan.
Napag-alamang sa nakaraang araw, Disyembre 16, sa alas 9:15 ng gabi, isinagawa ang implementasyon ng search warrant sa paglabag sa RA 9561 sa may Purok 6, Brgy. Jaliobong, Kitcharao, Agusan del Norte.
Ito ay laban sa suspek na si Ariel Sarida Azucena, na residente sa nasabing lugar.
Ginawa ang operasyon ng mga personahe sa Kitcharao Municipal Police Station, Agusan del Norte Police Provincial Office kasama ang 2nd Provincial Mobile Force Company at 29 Infantry Battalion, Philippine.
Nakumpiska ang isang IED at mga paraphernalia sa paggawas ng bomba gaya sa dalawang sako ng ammonium sulfate, 52 metro nang electrical wire, dalawang electric blasting cap at isang military multi tools.