-- Advertisements --

Arestado ang isang miyembro ng New Peoples Army (NPA) sa ikinasang operasyon ng CIDG Anti-Transnational Crime Unit kasama ang PNP Maritime Group sa Angono,Rizal.

Kinilala ni nbi CIDG-ATCU chief PSupt. Roque Merdeguia na si Arnold Juego a.k.a “Ka Arnold” tubong Barangay Sabang, Baler, Aurora.

Isinilbi ng mga tauhan ng CIDG ang search warrant at warrant of arrest laban kay Juego dahil sa paglabag sa RA 10591 at kasong kidnapping with murder.

Si Juego ay akusado sa kasong kidnapping at pagpatay sa namapayapang OIC Mayor Rosauro Tangson ng San Luis, Aurora nuong 1987.

Kasalukuyang nakakulong sa CIDG detention facility ang naarestong miyembro ng NPA sa Kampo Crame.