CEBU – Nabatid na isang kilalang komunistang teroristang lider ng New People’s Army ang napatay sa engkwentro sa pagitan ng 62nd Infantry Battalion at limang NPA communists kahapon ng umaga Nobyembre 21, 2022 sa Sityo Banderahan, Barangay Trinidad, Gihulgan City, Negros Oriental.
Kinilala ito ng otoridad na si Victoriano Baldonado alyas Rudy, 34 taong gulang at residente ng Sityo Ammumuyong sa naturang Barangay, at Commanding Officer ng Section Guerilla Unit (SGU), Central Negros Front 1 (CN1), Regional Committee Negros, Cebu, Bohol, at Siquijor (KR-NCBS), na nagpapatakbo sa tri-boundaries ng Guihulngan at Canlaon City gayundin sa Moises Padilla, Negros Occidental.
Sa inilabas na impormasyon ng kasundaluhan, limang minutong nagpalitan ng putok ang magkabilang panig na nagresulta sa pagkamatay ng isang miyembro ng NPA.
Bago ito, nakatanggap ang mga awtoridad ng impormasyon mula sa mga residente sa lugar hinggil sa presensya ng mga NPA sa lugar kaya naman isinagawa ang operasyon.
Isang (1) M16 rifle ang narekober sa tropa ng gobyerno; apat (4) na magazine na may 43 rounds ng 5.56mm live ammunition kasama ang CNT items.
Samantala, noong Nobyembre 19, nasamsam din ng tropa ng 47th Infantry Battalion ang cache ng armas ng teroristang komunistang NPA sa Brgy Gatusiao, Candoni, Negros Occidental, kung saan naglalaman ang cache ng mga armas ng 16 Cal .38 pistol; isang (1) Cal .22 pistol; tatlong (3) homemade shotgun; labing-isang (11) homemade shotgun; maraming bala; tatlong (3) magasin; apat (4) na cellphone at iba pang kagamitan sa paggugubat.