BACOLOD CITY – Patay ang isang miyembro ng CPP-NPA kasabay ng engkwentro laban sa tropa ng 94th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Sitio Bugo, Barangay Buenavista, Himamaylan City, Negros Occidental.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Army Major Cenon Pancito III, spokesperson ng 3rd Infantry Division ng Philippine Army, nangyari ang engkwentro alas-3:30 ng hapon habang nagsasagawa ang tropa ng combat operations at nagtagal ng sampung minuto.
Ayon kay Pancito, hindi bababa sa pitong mga NPA ang naka-engkwentro ng militar at agad ring nag-withdraw ang mga ito papuntang Cabadiangan creek.
Wala namang nasugatan sa panig ng gobyerno.
Narekober sa encounter site ang bangkay ng lalaking miyembro ng NPA.
Maliban sa bangkay, nakuha rin sa lugar ang isang M1 carbine rifle, dalawang caliber .357 pistols at mga personal na kagamitan.
Ipinangako rin ni Pancito na patuloy na makikipaglaban sa insurhensya ang militar upang masiguro ang katahimikan at kaligtasan ng mga residente sa Negros Occidental.