Inihahanda na ang kasong kriminal at administrabo ng PNP laban sa isang miyembro ng Highway Patrol Group (HPG) na inaresto dahil sa reklamong pangongotong.
Kinilala ang suspek na si Major Raul Salle, ng Operations Management Division at deputy chief ng PNP-HPG na nakabase sa Camp Crame.
Una rito sa pamamagitan ng Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) humingi ng tulong ang biktima na kinikilan daw ni Salle na aabot sa P400,000.
Dahil dito humingi ng tulong ang biktima sa PNP-HPG noong Nobyembre matapos na ninakaw ang kaniyang SUV.
Dito ay hiningan siya ni Salle ng unang P140,000 para mabilis na mahanap daw ang sasakyan subalit dahil sa kawalan ng pera ay pinayuhan pa nito na humiram sa kapwa HPG member.
Matapos ang ilang buwan ay nalaman din ng bikitma na hindi pala ni-remit ni Salle ang perang pambayad sa utang kaya pinayuhan muli siya nito na isangla ang sasakyan ng P300,000 subalit napag-alaman ng biktima na ginagamit pala ito ng HPG.
Matapos ang pagsumbong ng bikitma sa PNP-IMEG ay agad nilang isinagawa ang entrapment operations.