-- Advertisements --

ROXAS CITY – Boluntaryong sumuko ang isang miyembro ng npa sa Pilar Municipal Police Station sa Capiz.

Kinilala ito kay alyas “Ka Benjie” 41 taong gulang at nakatira sa Sitio Pudian Brgy. Tuburan, Maayon, Capiz.

Ayon sa pahayag ng Pilar MPS ang nasabing rebelde ay miyembro ng Squad 1 sa ilalim ni “Ka Bong” ng SPP East KR Panay of Nonito Aguirre Sr. Command.

Nagsisilbi din itong spotter at look-out ng makakaliwang grupo na siya taga tiktik ng mga galaw ng tropa ng gobyerno sa mga kabukiran.

Dagdag pa nang awtoridad na boluntaryo itong sumoko matapos na mapag-alaman na niloloko lamang ito ng mga NPA.

Sa ngayon nasa kustodiya na ang mga kapulisang ang nasabing surenderee para custodial debriefing at dokumentasyon.