-- Advertisements --

Arestado ng mga matuhan ng Taguig City Police ang umano’y miyembro ng Tiñga Drug Syndicate sa isinagawang anti-criminality operation sa Barangay Ususan nitong April 16, Miyerkules.

Nakilala ang suspek na si Juan Miguel Tan y Tiñga o mas kilalang si “Migue.”

Nahuli ang suspek sa may bahagi ng NP Cruz Street, nakuha sa kaniyang posisyon isang puting disposable vape cartridge na may label “Khalifa Karts,” na naglalaman ng marijuana or cannabis oil.

Ayon sa Pulisya ang nasabing item ay iniulat na binili sa halagang P4,500.

Kasong paglabag sa Section 11, Article II ng Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang isinampa laban sa suspek sa Prosecutor’s Office.

Sinabi ni Taguig police chief Col. Joey Goforth na ang pag-aresto ay bahagi ng kanilang patuloy na pagsisikap na alisin sa mga komunidad ang ilegal na droga, at idinagdag na ang malakas na koordinasyon sa mga opisyal ng barangay ay nananatiling susi.

“The Taguig City Police is committed to maintaining peace and order through proactive law enforcement and community partnership,” pahayag ni Goforth.

Kung maalala nasa 20 barangays sa siyudad ng Taguig ang idiniklarang drug-cleared sa ilalim ng Barangay Anti-Drug Abuse Council program.

Ang Tiñga Drug Syndicate ay matagal nang iniugnay sa isang serye ng mga high-profile cases na may kaugnayan sa operasyon ng iligal na droga sa Taguig City, na kinasasangkutan ng maraming miyembro ng Tiñga clan.

Ang isa sa mga miyembro nito, si Joel Tiñga, ay naaresto kamakailan sa isang buy-bust operation na isinagawa noong Hunyo 18, 2024.

Dati siyang hinatulan noong Setyembre 2016 ng regional trial court para sa isang drug offense at nahatulan ng habambuhay na pagkakakulong. Bagama’t pinagtibay ng Court of Appeals ang kanyang paghatol noong Mayo 2018, binawi ng Korte Suprema ang desisyon noong Hunyo 2021 dahil sa procedural lapses.

Sa kabila nito, muli siyang inaresto noong Hunyo 2023 dahil sa pagbebenta at pagmamay-ari ng iligal na droga.

Ang isa pang figure, si Elisa “Ely” Tiñga, asawa ni Noel Tiñga at pinsan ni dating Taguig Mayor Freddie Tiñga, ay nasentensiyahan ng habambuhay na pagkakakulong noong Pebrero 2017. Siya ay na-tag bilang ikatlong most wanted drug personality at naging ikapitong miyembro ng sindikato na naaresto.

Noong 2020, isang buy-bust operation ang humantong sa pagkakaaresto kay Patrick Ace Tiñga at pagkakakumpiska ng mahigit P20 milyong halaga ng crystal meth o shabu.

Bukod pa rito, noong 2023, si Bernardo Tiñga, edad 56, ay nahuli na may mahigit P95,000 halaga ng shabu at mga baril.