-- Advertisements --

LA UNION – Isang unexploded at corroded na fragmentation grenade ang natagpuan ng isang punong barangay bandang alas 3:00 kahapon nang magtungo sa bukid sa Barangay Cacapian, San Juan, La Union.

Agad namang ipinaalam ni Punong Barangay Virgilio Vergara, 56-anyos, sa mga kinauukulan ang natagpuang granada.

Sinabi sa Bombo Radyo La Union ni Police Master Sergeant (PMSgt.) Raymund Laron ng San Juan Police Station, na bagamat kinakalawang na ang tinaguriang MK-2 fragmentation grenade ay posibleng sumabog pa ito.

Dagdag pa ni Laron, itu-turnover ang granada sa Explosive Ordnance Division (EOD) para sa tamang disposisyon.