-- Advertisements --
Magsisimula na sa Nobyembre 23 2023 ang M5 World Championship kung saan sasabak ang AP. Bren at Blacklist International upang mag-representa sa bansa.
Nakahanay ang reigning champion na AP Bren sa Pool C at makakalaban nila ang Burmese Ghouls ng Myanmar, Team Flash ng Singapore habang na sa Pool B naman ang Blacklist at makakasupa ang Fire Fluxm ng Turkey, RRQ Akira ng Brazil
Nakatakdang magsimula ang M5 World Championship mula Nobyembre 23 hanggang Disyembre 17.
Ang group stage ay gaganapin sa EVM Convention Center habang ang playoffs ay gaganapin sa Rizal Memorial Coliseum.