-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Uupo bilang acting mayor ng Magpet, Cotabato ang DILG officer ng bayan na si Ivy Cervantes.

Ito’y matapos mag-quarantine ang mga miyembro ng sangguniang bayan sa pangunguna ni Vice-Mayor Rogelio Marañon.

Nagkaroon umano ng close contact si Vice-Mayor Marañon sa isang COVID-19 positive case at nakasalamuha nya ang lahat ng mga konsehal sa bayan ng Magpet.

Nakatakda sana si Marañon na uupong acting mayor dahil ilang araw na rin na hindi nagpapakita si Magpet Mayor Florenito Gonzaga, matapos magkasakit at nasa isang pagamutan sa Kidapawan City.

Ito na ang unang pagkakataon na uupong acting mayor ang MLGOO officer.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang contact tracing sa iba pang nakasalamuha ng mga myembro ng SB Magpet.