-- Advertisements --
Inanunsiyo ni dating Mixed martial arts fighter Vitor Belfort ang muling paglaban nito sa ONE Championship.
Sinabi nito na ang unang makakalaban niya ay si Alain Ngalani na itinuturing niyang magiging mahirap at matinding kalaban.
Umaasa ang dating UFC light heavyweight champion na muli itong magtagumpay sa laban.
Kakatapos lamang kasi nitong nagpagaling sa kaniyang shoulder injury.
Inamin pa ng 43-anyos na si Belfort na tila nawalan na ito ng gana sa pakikipaglaban matapos na nito ay umalis sa UFC.
Nakilala sa UFC si Belfort sa matinding knockout power nito kung saan mayroong 12 na KO ito sa kaniyang record.