-- Advertisements --

Ibinunyag ng dating ONE Championship fighter Brandon Vera na mayroon itong nerve damage sa kaniyang dalawang braso.

Sinabi ng 42 anyos na mixed martial arts fighter, nakuha nito ang injury sa kanang braso noong ito ay nasa Air Force noong 1999 na naoperahan naman.

Habang ang kaliwang braso ay natamo nito sa sa isang combat sport.

Aminado ito noon na nagkakaroon siya ng hindi magandang pakiramdam tuwing lumalaban subalit ito ay kaniyang napagta-tiyagaan.