-- Advertisements --

Kumpiyansa si Filipino MMA fighter Danny Kingad na magwawagi ito sa nakatakdang laban niya.

Makakaharap kasi nito is Xie Wei sa Enero 31 sa Mall of Asia para sa ONE: Fire & Fury.

Sinabi nito na sa mga nagdaang laban niya ay marami siyang natutunan na aral.

Huling laban kasi nito noong Oktubre ay nabigo siya sa kamay ni Demetrious Johnson.

Mayroon na itong record na 13 panalo at dalawang talo.

Makakasama niya sa nasabing torneo sina ONE strawweight world champion Joshua Pacio at Eduard Folayang.

Makakaharap ni Pacio si Alex Silva sa main event habang si Folayang ay makakaharap si Ahmed Mujtaba sa lightweight division.