-- Advertisements --
Kalunos-lunos ang nangyari sa isang mixed martial arts (MMA) fighter matapos na matanggal ang daliri nito sa kasagsagan ng laban.
Hindi pa malinaw kung paano natanggal ang daliri ni Khetag Pliev sa laban niya kay Devin Goodale sa Cage Fury Fighting Championship 94 sa Philadelphia, USA.
Napansin lamang ang nawawalang daliri nito sa pagsisimula ng ikatlong round.
Dahil dito ay agad na itinigil ng mga fight officials ang laban at idineklarang panalo si Goodale.
Dinala na sa pagamutan si Pliev kung saan pilit na idinugtong ng mga doktor ang naputol na daliri nito.