Maidadagdag na sa listahan ng ONE Championship Hall of Fame ang pangalan ni Bibiano “The Flash” Fernandes, kasunod ng tuluyan niyang pagreretiro.
Noong Pebrero-20 ay naipanalo ni Fernandes ang kaniyang laban kontra sa Pinoy MMA fighter na si Kevin ‘The Silencer’ Belingon at agad nitong inanunsyo ang tuluyang pagreretiro.
Ayon kay ONE Chairman Chatri Sityodtong, magiging bahagi ng ‘Hall of Fame’ si Fernandes, dahil na rin sa maganda nitong performance sa kabuuan ng kaniyang karera sa naturang liga.
Magaganap ang induction ceremony sa March 23 sa Saitama Super Arena sa Japan.
Ipinanganak aniya ang mixed martial arts sa Japan at nararapat lamang na ang pagkilala sa mga natatanging MMA fighter ay gaganapin sa naturang bansa.
Hawak ni Fernandes ang 31 career fights, kasama na ang 16 na laban sa One Championship.
Siya ay dating 11-time ONE Bantamweight MMA World Champion kung saan ang rurok ng kaniyang karera ay noong mapanatili niya ang malinis na record sa loob ng siyam na magkakasunod na laban.