-- Advertisements --

Susulat si Metro Manila Council chairman Edgar Olivarez sa Department of Interior and Local Government (DILG) para palawigin pa ang pamamahagi ng ayuda sa mga naapektuhan ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa National Capital Region (NCR).

Sinabi ni Olivarez na marami pa ring mga alkalde sa NCR ang hindi natatapos na mamahagi ng mga ayuda.

Karamihan sa kanila ay nagkaroon ng bahagyang aberya dahil sa problema sa listahan.

Magugunitang nagtapos na noong Abril 15 ang deadline sa pamamahagi ng ayuda na unang itinakda ng DILG.