-- Advertisements --
Naglabas ng resolusyon ang Metro Manila Council (MMC) na nanghihikayat sa lahat ng mga community pantry organizers na makipag-ugnayan sila sa mga local government units (LGU).
Ito ay para matiyak na nasusunod ang health protocols at maiwasan ang pagkakahawaan ng COVID-19.
Nakasaad sa resolution na ang koordinasyon ay nararapat para sa strict quarantine measures.
Hangad ng nasabing resolusyon na hindi masayang ang mga ginawang sakrispisyo ng mga otoridad sa paghihigpit sa enhanced community quarantine (ECQ) at sa modified enhanced community quarantine (MECQ).