Tinalakay ng pamunuan ng Metro Manila Council ang mga bagong guidelines para sa pagpapatupad ng towing at impounding sa mga sasakyan na matitikitan.
Napagkasunduan ng konseho na gawing professionalize ang pagsasagawa ng naturang operasyon.
Nilalayon ng bagong kautusan na mabawasan at maiwasan ang mga reklamo ng mga motorista dahil sa ilegal umanong paghila ng kanilang mga sasakyan.
Kabilang sa mga reklamo at sobrang singil, pangingikil at mga sasakyang tuluyang nasisira dahil sa pagsasagawa ng paghila nito .
Partikular na tinalakay ng konseho ang MMDA Regulation No. 24-004, Series of 2024.
Batay sa regulasyon, magkakaroon ng limang sektor, ang bawat sektor ay may kumpanya na mamamahala.
Kakatawan ang mga ito sa Northern Metro Manila, Southern Metro Manila, Eastern Metro Manila, at Central Metro Manila.
Samantala, wala pang eksaktong petsa kung kailan ipapatupad ang naturang bagong panuntunan.