-- Advertisements --

Nagsama na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Bureau of Animal Industry (BAI) para matiyak na makontrol ang pagkalat ng African Swine Fever (ASF).

Sa ginawang pulong nina MMDA Chairman Atty. Romando Artes at Dr. Noverlee Calub at Dr. Christian Daquian, na tinalakay nila ang pagdagdag ng mga inspection sites.

Ibinahagi rin ng BAI kung paano nila tuluyang masugpo ang pagkalat ng ASF.

Hihilingin ng BAI ang suporta ng Metro Manila Council para tuluyang mapuksa ang nasabing virus.