-- Advertisements --
mmda logo

Nagpulong ang MMDA at ilang mga lokal na pamahalaan ng Metro Manila ukol sa proseso ng paggamit ng handheld ticketing device sa ilalim ng implementasyon ng single ticketing system (STS) sa Metro Manila.

Nagkaroon ng consultative meeting kung saan tinalakay ang mga dapat na kinakailangan para sa nasabing handheld ticketing device.

Ang naturang pagpupulong ay pinangunahan ng MMDA Management Information Systems Staff (MISS), at lumahok ang mga kawani mula sa lungsod ng Makati, Malabon, Mandaluyong, Manila, Marikina, at Navotas.

Dagdag dito, ipinaliwanag ng MMDA ang features ng handheld ticketing device tulad ng pag-issue ng ticket, reprint ng ticket, tow truck request, number coding, traffic report, LTO verification, road clearing report, road accident report, public concern, at iba pa.

Gayundin na tinalakay ang process flow, hardware, at iba pang requirements para sa interconnectivity na may kaugnayan sa traffic management.

Nauna nang sumailalim sa parehong meeting at training ang mga kawani mula sa lungsod ng Las Pinas, Muntinlupa, Pasay, Pasig, Pateros, at Taguig.