-- Advertisements --

Sinimulan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Philippine Coast Guard (PCG) ang kanilang partnership para sa pagpapabuti ng Pasig River Ferry Service (PRFS), na nagsisilbing alternatibong paraan ng transportasyon para sa mga commuters.

Ang mga opisyal ng MMDA at PCG, sa pangunguna ni MMDA Public Safety Office Head Director Crisanto Saruca Jr. at Coast Guard Rear Admiral Hostillo Arturo Cornelio ay nangako sa pagpapahusay ng transportasyon sa dagat at pagpapasigla sa Pasig River.

Sa ilalim ng MOA, ang MMDA ang bahala sa lahat ng administrative at office matters ng ferry service.

Dapat din nitong gamitin ang mga rescue boat nito para sa mga aktibidad na nauugnay sa kalamidad alinsunod sa mandato ng kaligtasan ng publiko para sa mga commuter sa Metro Manila.

Magbibigay ang PCG ng mga tauhan na magbabantay sa mga ferry terminal at mga bangka nito para paigtingin ang maritime security at maritime safety para sa riding public, lalo na ngayong holiday season.

Una na rito, ang MOA, na naka-angkla sa Executive Order No. 35, “Inter-Agency Council for the Pasig River Urban Development, ay nilagdaan noong Nobyembre ngayong taon.