Binubuo na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang planong ilalatag para sa panahon ng kapaskuhan.
Ito ay kasabay ng nakatakdang pakikipagpulong ng MMDA sa mga government agencies at mga lokal na pamahalaan sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, habang maaga pa ay kailangan nang mabuo ang mga plano dahil sa kadalasang dagsaan ng mga tao at ng mga sasakyan sa Metro Manila sa kabuuan ng holiday season.
Pinagsusumite na rin ng MMDA ang mga mall management ng kanilang traffic at operations plan para sa holiday.
Sa kasalukuyan ay pinag-aaralan na ng ahensiya ang pagbabawal sa small at wide sale tuwing weekday, kasama na ang adjustment ng operation hours ng mga mall lalo na ang mga nasa EDSA.
Ayon kay Artes, isasapubliko din ng MMDA ang kanilang plano bago ang effectivity nito.