Bumuo ng road safety action plan ang Metropolitan Manila Development Authority sa hangaring mabawasan ang crash casualties sa National Capital Region.
Bahagi ito ng pagtugon ng ahensya sa kanilang tinukoy na “nakakaalam” na bilang ng mga aksidente sa kalsada na naitatala sa buong Metro Manila.
Batay kasi sa datos na naitala ng Metro Manila Accident Reporting and Analysis System, aabot sa 92,583 ang bilang ng mga aksidente sa kalsada ang naitatala kada taon sa nakalipas na mga dekada.
Mula sa naturang datos ay tinataya rin na aabot sa average na 410 ang bilang ng mga indibidwal na namamatay kada taon kung saan 51% sa mga ito ay pawang mga driver, 36% ang mga pedestrians, at 13% ang mga nabibiktimang pasahero.
Samantala, kabilang naman sa mga stakeholders na nakibahagi rin sa Development ng action plan na ito ay ang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila, Department of Public Works and Highways, Department of Health, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, at maging ang Land Transportation Office.