Naka-self isolate na si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benjamin “Benhur” Abalos Jr matpaos na makasalamuha si San Juan City Mayor Francis Zamora na nagpositibo sa COVID-19.
Unang dumalo si Abalos sa pagdating ng mga bakunang SINOVAC mula sa China sa Villamor Airbase sa Pasay City nitong Linggo kasama si Pangulong Rodrigo Duterte at ilang mga opisyal ng gobyerno.
Dumalo rin ang MMDA Chairman sa vaccination program sa Philippine General Hospital (PGH) kung saan kinagabihan ng Lunes ay inanunsiyo ni Mayor Zamora na positibo ito sa COVID-19.
Nakasama rin ni Abalos ang alkalde noong sila ay nagbisikleta at ininspeksyon ang mga bike lanes sa San Juan City.
Ayon sa staff ng MMDA Chairman na kahit naturukan na ng COVID-19 vaccine si Abalos ay kailangan pa rin nitong mag-isolate.
Nakatakda ring sumailalim ito sa swab test ngayong araw ang MMDA chairman.
Magugunitang noong nakaraang taon nagpositibo na sa COVID-19 vaccine si Abalos matapos na mahawan ang kaniyang magulang kung saan namatay ang kaniyang ina.