-- Advertisements --

Humingi na ng paumanhin ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa pagkakahuli ng dalawa nilang bus shutlles na iligal na dumaan sa EDSA Bus Carousel Lane.

Paglilinaw ni MMDA acting chairman Romando Artes na ang mga empleyado nila ay hindi pinapayagan na gumamit ng EDSA busway.

Maari lamang na gamitin ito ng kanilang sasakyan sakaling may mga emergency silang rerespondihan.

Magugunitang nasita ng mga operatiba ng Department of Transportation (DOTr) ang 2 shuttle bus ng MMDA kung saan mayroong ipinakitang memorandum ang drivers na may petsang Pebrero 20,2024 na nakasaad na maari silang dumaan sa EDSA busway.

Subalit paglilinaw ni Artes na nagkaroon lamang ng typo-errors ang memo at hindi na nila agad ito nabago.