-- Advertisements --

Pinag-aaralan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na sampahan ng kasong attempted homicide laban sa driver ng sasakyan na sinampahan ng traffic enforcer dahil sa tangkang pagtakas nito para hindi mahuli.

Sinabi ni MMDA Chairman Atty. Romando Artes, na lumapit sa kanila ang driver at humingi ng paumanhin dahil sa pangyayari.

Desidido naman ang kanilang traffic enforcer na kasuhan ang driver kahit na ito ay makailang ulit na nakikiusap.

Bukod sa pagharap sa nabanggit na kaso ay maaring masuspendi ang drivers license ng nasangkot na driver.