-- Advertisements --

Nakatakdang magsanib pwersa ang mga transportation agencies sa pangunguna ng Department of Transportation (DOTr) at ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa isasagawang rehabilitasyon ng EDSA na uumpisahan sa Abril.

Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, sa susunod na buwan ay maiaaanunsyo na ng kanilang departamento ang mismong kabuuan ng plano sa gagawing rehabilitation.

Kasama na rin aniya dito ang mga solusyon at paraan para naman sa bahagi ng mga motorista at mananakay para kahit papaano aniya ay maibsan ang epekto nito sa transport sector.

Ayon sa kalihim, ang paparating na hirap dala ng matinding trapiko ay takagang mararamdaman ng mga motorista at mga commuters na hindi naman talaga aniya maikakaila lalo na’t isang malaking bahagi ng trasnportasyon ang EDSA na siyang major avenue sa kalakhang Maynila.

Samantala, ganito din ang sintemiyento ni MMDA Chairman Atty Romando Artes para sa gagawing rehabilitasyon sa mga daan ng EDSA.

Aminado ang opisyal na magiging malaki ang epekto nito sa transportation sector kung saan sila naman ang naatasan na humawak sa magiging daloy ng trapiko habang isinasagawa ang proyekto.

Aniya, bubuksan nila ang mga posibleng alternate routes at magsasagawa ng contingency plans para sa magiging epekto ng proyekto sa mga mananakay at motorista.

Ang EDSA kasi ay itinuturing na major artery na siyang konektado sa mga daanan sa buong Metro Manila kaya naman kung may nga isasaradong lanes, pagtitiyak ni Artes, ang kanilang pamunuan ay bubuo ng kongkretong plano para hindi masyadobg maramdaman ang epekto nito.

Bilin din aniya ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. na dapat manatiling prayoridad ang convenience ng mga motorista lalo na ng mga commuters na siyang sentro ng kanilang lahat ng plano.

Inaasahan naman ngayon na maglalabas ang DOTR ng mga planobat maglalatag ng sokusyon pagpasok ng Abril bago umpisahan ang rehabilitasyon sa EDSA.