Hindi na papayagan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga vloggers na sumama sa mga ikinakasang clearing operations ng kanilang ahensya.
Ito ang iminungkahi ni MMDA Chairman Atty. Romando Artes matapos ang naging insidente at isyu na kinasangkutan ng isa sa kanilang opisyal na si Special Operations Group Strike Force Head Gabriel Go.
Aniya, patuloy ang magiging updates ng kanilang ahensya sa kanilang nga social media platforms ngunit ito ay gagawin nang institutionalize at hindi na papayagang may ibang mga indibidwal or vloggers pa ang magpost ng mga operasyon ng kanilang pamunuan.
Paliwanga niya, importante kasi para sa kanila na nakikita pa rin ng publiko na patuloy pa rin ang ginagawa nilang trabaho at maipakita na rin na ang paghambalang ng mga sasakyan sa mga maling lugar at lansangan ay nagdudulot ng matinding trapiko at pagsikip ng mga daanan na dapat sana’y nakalaan bilang daanan para sa mga motorista.
Samantala, nakikita naman ng opisyal na nangangilangan din ng kontrol dahil aminado naman si Artes na ilan sa mga enforcers ay nagiging personal na sa pagtitiket at kinukuhaan pa ng larawan at video para sa kanilang vlogs.
Samantala, tiniyak naman ng pamunuan ng MMDA na patuloy ang kanilang pagkakasa ng mga clearing operations sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila kahit sa kasalukuyan ay hindi na muna pinahintulutang sumama si SOG-SF Head Gabriel Go dahil sa hinaharap nitong controbersiya.