-- Advertisements --

Inamin ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia na nagpositibo rin siya sa coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Garcia, mananatili muna siya sa bahay habang nagpapagaling, ngunit tuloy pa rin ang magiging trabaho.

Naniniwala itong nakuha niya ang sakit habang gumaganap ng tungkulin.

Lantad aniya sila sa panganib kapag nasa labas, ngunit parte raw ito ng kanilang tungkulin.

“I will have to work from home as I have been found positive for COVID-19. My work puts me under a lot of risk, and this is part of it. I embrace this challenge with full trust and faith in God,” wika ni Garcia.

Sa kasalukuyan may contact tracing na rin sa mga nakasalamuha ng MMDA official sa mga nakalipas na araw.