Nakahanda na ang Metro Manila Development Authority o MMDA sa gaganaping nationwide earthquake drill sa araw ng Sabado, Hulyo 27.
Sinabi ni MMDA chairman Danilo Lim, na nakipag-ugnayan na sila sa Department of Information and Communications Technology (DICT), National Telecommunications Commission (NTC) at ilang mga private telecommunications para magpadala agad ng mga text message sa pagsisimula ng drill ng 4AM.
Nakipag-ugnayan na rin sila sa lahat ng mga ahensiya ng gobyerno ,mga pribadong sektor at non-government organizations para matiyak ang kahandaan sakaling makaranas ng malakas na paglindol.
Magkakaroon ng iba’t ibang scenario sa apat na quadrants ng simulation ng “Oplan Metro Yakal” ang contingency plan kapag may mangyaring lindol.
Sisimulan ni MMDA chairman Lim kasama si MMDA general manager Jose Arturo Garcia Jr. sa kanilang main office sa lungsod ng Makati.