-- Advertisements --

Target ngayon ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority na humingi ng asistensya sa Philippine National Police upang maayos ang lagay ng trapiko sa Metro Manila tuwing may mga ikinakasang kilos-protesta.

Sa isang pahayag, sinabi ni MMDA Acting Chair Romando Artes, layon nito na hindi na maulit ang ilang mga kaganapan na kung saan ay nagsisiksikan ang mga sasakyan dahil sa ikinasang kilos-protesta ng MANIBELA.

Ayon kay Artes, bagamat patuloy na itinatanggi ng grupo na sila ang sanhi ng trapiko ay ito ang kanilang nakikitang dahilan kung bakit bumigat ang daloy nito kamakailan sa Quezon City.

Bumwelta naman si Artes sa impormasyon na walang traffic enforcer ang nagmamando kaya nagka buhol-buhol ang lagay ng trapiko.

Nagdagdag pa siya anila ng tauhan at nanatili ito sa lugar hangga’t naibalik sa normal ang daloy nito.