Hindi magpapatupad ng “number coding” scheme ang Metropolitan Manila Development Authority sa darating na Agosto 23 para sa pagdiriwang ng Ninoy Aquino Day na isang special non-working holiday at sa darating na Agosto August 26 para sa selebrasyon ng National Heroes Day na isang regular holiday.
Ito ang kinumpirma ng ahensya ngayong araw sa pamamagitan ng isang anunsyo sa kanilang social media accounts.
Una rito ay inilipat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paggunita sa Ninoy Aquino Day mula Agosto 21 hanggang 23 para sa mas longer weekend at para isulong ang domestic tourism .
Sa ilalim ng number coding scheme, ang mga sasakyang may plakang nagtatapos sa 1 at 2 ay ipinagbabawal sa mga kalsada tuwing Lunes, 3 at 4 tuwing Martes, 5 at 6 sa Miyerkules, 7 at 8 sa Huwebes, 9 at 0 sa Biyernes sa oras ng coding.
Nauna rito, sinabi ni MMDA chief Romando Artes sa tuwing sinuspinde ng ahensya ang number coding, aabot sa 20% ang nadaragdag sa bilang ng mga sasakyang gumagamit ng kalsada.
Ito ay katumbas ng humigit kumulang 800 na sasakyan sa EDSA at 400 na sasakyan sa C5 na kung saan ito ang dalawang pangunahing daanan sa Metro Manila.