-- Advertisements --

Magiging maluwag muna ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa implementasyon ng pagbabawal ng mga provincial bus sa EDSA.

Ito ay dahil sa ngayong araw ipapatupad ang nasabing batas at ang paggamit ng mga interim terminals sa Valenzuela at Sta. Rosa.

Ayon kay MMDA Traffic Manager Bong Nebrija, na hindi muna sila manghuhuli dahil sa inaasahan nila ang mataas na bilang ng mga pasahero matapos ang Holy Week.

Desisyon aniya ng mga bus driver kung sa terminal lamang ba nila sila magbaba o hindi.

Nauna rito plano ng MMDA na isara ang may 47 na bus terminal sa kahabaan ng EDSA bilang solusyon sa problema ng lagay ng trapiko.