-- Advertisements --

Hinikayat ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang mga mamamayan na samantalahin ang libreng Pasig River ferry rides ngayong buwan ng Disyembre.

Sinabi ng MMDA na dapat samantalahin ng mga mananakay ito habang libre pa.

Sinasabing makakatulong ito sa mga biyahero lalo na ngayon at nararanasan ang matinding bigat ng trapiko.

Halos lahat ng mga lugar sa Metro Manila ay mayroong nakatalagang ferry stations.

Maraming mga mananakay naman ang natuwa dahil sa makakatulong din daw ito para mapabilis ang pagtungo nila sa lugar na nais nila at iwas trapiko.

Tiniyak naman ng MMDA na ligtas ang bawat ferry kung saan mayroong kaniya-kaniyang life vest at bawat lugar ay may nakaantabay na rescue boats.

Bukas ang nasabing ferry services mula Lunes hanggang Sabado.

Magugunitang noong Marso ay inanunsiyo ng Pasig River Coordinating and Management Office ang muling pag-operate ng ferry service.