-- Advertisements --
Hinikayat ng Metropolitan Manila Development Authority ang publiko na makiisa at makibahagi sa pagdaraos ng Metro Manila Shake Drill 2024.
Ito ay isasagawa bilang paghahanda sa pinangangambahang 7.4 magnitude na lindol o pagtama ng ‘The Big One’ sa bansa.
Posible raw kasing tumama ito sa West Valley Fault at maaari itong dumaan mula sa Bulacan, sa mga probinsya ng Rizal at gayundin sa siyudad ng Marikina, Quezon City, Pasig, Taguig, at sa Muntinlupa.
Habang ang dulo naman nito ay sa lalawigan na ng Laguna.
Kaya naman plano ng MMDA na ilunsad ang naturang Metro Manila Shake Drill 2024 mula alas nuebe ng umaga at tatagal ng alas tres ng hapon.