Hinikayat ng Metropolitan Manila Development Authority ang publiko na makiisa sa kanilang “Recyclables Mo, Palit Grocery Ko” project .
Sa ilalim ng programang ito, mas marami na ang maaaring ipalit na mga grocery item sa basura na kanilang ipapalit sa MMDA.
Sa isang pahayag, sinabi ng ahensya na ang mga na rerecycle na basura tulad ng karton na ang isang kilo ay katumbas ng 6 puntos noon. pipwede na itong ipalit sa MMDA Mobile Materials Recovery Facility para sa 2.5 puntos.
Sinabi pa ng ahensya na kabilang ang bleach, shampoo, sabong panlaba, panligo, at mga inumin ang pwedeng ipalit sa MMDA.
Kung maaalala, ang Mobile Materials Recovery Facility at Recyclables Mo, Palit Grocery Ko program ay ilan lamang sa inisyatiba ng ahensya sa ilalim ng Metro Manila Flood Management Project.
Ito ay naglalayong turuan ang mamamayan sa tamang pamamahala ng mga basurang nakokolekta sa araw-araw.
Makatutulong rin ito na mabawasana ng mga solid waste sa mga daluyang tubig na nagiging dahilan ng pagbaha sa Metro Manila.