-- Advertisements --
Iniimbestigahan na ng Metropolitan Manila Develoopment Authority (MMDA) ang nangyaring malawakang pagbaha sa ilang bahagi ng Metro Manila tuwing dumadaan ang malakas na pag-ulan.
Sinabi ni MMDA Chairman Romando Artes, na may mga tauhan na silang ipinakalat sa mga lugar na nagkaroon ng pagbaha.
Hindi rin aniya humihinto ang kanilang opisina na makipag-ugnayan sa mga local government units para sa maisaayos ang nasabing drainage systems.
Nanawagan na lamang ito sa publiko na dapat ay huwag gawing basurahan ang mga drainage system para hindi magbara na magiging sanhi pa ng pagbaha.