Inilabas na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga listahan ng lugar kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang mga e-bikes, tricycles, pedicabs, pushcarts at kahalintulad na mga sasakyan.
Simula kasi sa Abril 15 ay mahigpit na silang maghuhuli sa nasabing mga sasakyan na dadaan sa national roads, circumferencial roads, at radial roads sa Metro Manila.
Ang mga lugar ay kinabibilangan ng : -Recto Avenue
-Pres. Quirino Avenue
-Araneta Avenue
-EDSA
-Katipunan/C.P. Garcia
-Southeast Metro Manila Expressway
-Roxas Boulevard
-Taft Avenue
-Osmeña Highway or South Super Highway
-Shaw Boulevard
-Ortigas Avenue
-Magsaysay Boulevard/Aurora Boulevard
-Quezon Avenue/ Commonwealth Avenue
-A. Bonifacio Avenue
-Rizal Avenue
-Del Pan/Marcos Highway/McArthur Highway
-Elliptical Road
-Mindanao Avenue
-Marcos Highway
-Boni Avenue
-España Boulevard
Lahat ng mga mahuhuli ay magmumulta ng P2,500 at ang mga sasakyan na hindi rehistrado o ang driver na walang maipakitang lisensya ay maiimpound ang kanilang sasakyan.