-- Advertisements --

Inilabas na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang road closures at traffic rerouting plan na ipapatupad simula alas-12:01 bukas, June 26.

Ito ay bilang bahagi ng security measures para sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, ang plano para sa pagsasara ng mga kalsada at traffic rerouting ay ikinonsulta kasama ang security cluster at pamahalaang lungsod ng Maynila.

Sarado simula bukas ang mga ruta mula alas-12:01 ng umaga hanggang alas-11:00 ng gabi ng June 30 ang Padre Burgos Avenue, Finance Road, Ma. Orosa Street – from TM Kalaw to P. Burgos at General Luna Street – from P. Burgos to Muralla Street.

Mula naman June 30, alas-4:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng gabi ay sarado ang Ayala Boulevard at Victoria Street – from Taft Avenue to Muralla Street.

Habang narito naman ang rerouting ng public utility at private vehicles:

• ang mga Northbound vehicles magmumula sa Roxas Blvd. dapat kumanan sa U.N. Avenue or Kalaw Avenue, kumaliwa sa Taft Avenue papunta sa destinasyon.

• ang mga Eastbound vehicles magmumula saRoxas Blvd.ay dapat kumaliwa sa Kalaw Avenue or U.N. Avenue, at kumanan sa Taft Ave. patungo sa destinasyon.

Maaari ding bisitahin ang official websites ng ahensiya para sa rerouting ng trucks at iba pang behikulo.

Samantala, magde-deploy naman ang MMDA ng 2,000 personnel para tumulong sa pangangasiwa ng traffic flow sa mga rutang apektado ng road closures.